-- Advertisements --
Bea in Jerusalem 2

Kasalukuyang nasa Jerusalem na ang unang batch ng Miss Universe candidates na nagsipagdatingan nitong araw ng Linggo.

Kabilang dito ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez na umaming naninibago pa sa nakagawiang time difference sa home country.

Ayon sa 26-year-old Cebuana beauty, wala pa siyang roommate sa ngayon dahil naka-quarantine pa habang naghihintay sa resulta ng “RT-PCR” test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nabatid na nagka-bonding na nito sa sasakyan mula Tel Aviv airport patungo sa Jerusalem ang ilang kapwa kandidata gaya ng Miss Camboadia ngunit bitin aniya ito.

Kasama ni Bea Gomez ang Miss Universe Philippines creative director na si Jonas Gaffud Jonas Gaffud at si Voltaire Tayag

Ang pagdating ni Bea sa Israel ay sa gitna ng pagbawal ng naturang bansa sa pagpasok ng mga banyaga mula sa iba’t ibang bansa dahil sa banta ng bagong Omicron variant ng COVID-19.

Si Gomez ay isa ring model, atleta partikular ang pagiging volleyball player, Philippine Navy reservist, cat lover, at proud member of the “LGBTQIA+” community.

Tatangkain niyang masungkit ang pang-limang Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Noong nakaraang taon, nagtapos sa Top 21 ang Miss Universe journey ng Ilongga-Indian na si Rabiya Mateo.

Samantala, mula Jerusalem ay babiyahe pa ang Miss Universe candidates patungo sa Eilat City kung saan gaganapin mismo ang 70th coronation sa darating na December 13 Manila time.