-- Advertisements --

Pagbawi muna sa tulog ang aatupagin ni Miss Universe Philippines Shamcey Supsup ngayong nakarating na ito sa Miami, Florida, na siyang host country ng 2020 Miss Universe.

Ayon kay Supsup, mahigit 24 hours ang biyahe nito na dumaan sa apat na paliparan, gayundin sa napakaraming security at health checkpoints.

“After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are finally here in Miami! Thank you for all your prayers and well wishes. Can’t wait to explore this beautiful city, but for now, some much needed sleep!” saad nito.

Shamcey missing piece

Mahalaga ang pagsunod ni Shamcey sa Florida dahil bitbit nito ang binansagang “missing piece” sa irarampang national costume ng ating pambato na si Rabiya Mateo.

Ang naturang “missing piece” sa national costume ay gawa ng crown /jewelry maker na si Manny Halasan kung saan katuwang nito ang yumaong kapwa designer na si Rocky Gathercole.

Bago naging national director ng unang hiwalay na franchise ng Miss Universe Philippines, si Shamcey ay tinanghal na third runner-up sa Miss Universe noong 2011.

Kung maaalala, nag-trending ang “tsunami walk” noon ni Supsup.

Rabiya with Shamcey
“All your hardwork and sacrifices have led you to the Miss Universe Competition and I am confident that you will continue to make us proud. Just remember that you are already a winner no matter what.”

Una nang ipinaabot ni Shamcey ang goodluck message kay Rabiya na aniya’y panalo na, bago pa man ang coronation night sa darating na May 17, Manila time.