-- Advertisements --

Magbabalik si Olivia Culpo bilang co-host kasama si Jeannie Mai Jenkins para sa gaganaping 71st Miss Universe pageant.

Nakoronahan bilang Miss Universe 2012, ang co-host na si Olivia noong taong 2021 kasama si Mario Lopez.

Si Jeannie naman, ang Daytime Emmy winner at host ng “The Real,” ay nagsilbing Miss Universe at Miss USA commentator din noon.

Dagdag dito, si Catriona Gray o Miss Universe 2018 ng Pilipinas ang magiging isa sa mga backstage commentator ngayong taon kasama niya ang “American Ninja Warrior” co-host at “Access Hollywood” correspondent na si Zuri Hall.

Kung matatandaan, inanunsyo noong Disyembre na hindi na babalik ang long-time Miss Universe host na si Steve Harvey, dahil layunin ng pageant na siguraduhin na nangunguna tayo sa isang “female lens.”

Ang Pambato ng ating bansa na si Celeste Cortesi, ay lumipad na patungong New Orleans para sa kompetisyon at tatangkaing sungkitin ang korona.

Una na rito, gaganapin ang Miss Universe 2022 sa Enero 14 sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana.