Nakiisa na rin si Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray sa panawagan ng mga celebrities sa bansa para tulungan ang mga kababayan nating naapektuhan sa hagupit ng bagyong Ulysses.
Sa pamamagitan ng isang video ay umapela ang Filipino-Australian beauty queen sa buong mundo na mag-abot ng tulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-donate sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon pa rito, aabot na ng 33, 618 na mga indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 550 evacuation centers.
Karamihan aniya sa mga ito ay nawalan ng mahal sa buhay at wala nang babalikang tahanan lalo pa’t nalalapit na ang Araw ng Pasko.
Kasalukuyang nasa Columbia sa Catriona makaraang imbitahan ito bilang isa sa mga judges ng Miss Universe Colombi 2020 pageant.
Naging usap-usapan naman ito sa social media matapos sagutin ang isang user na nag-comment sa kaniyang larawan kung saan kinuwestyon ang beauty queen kung bakit wala siya sa Pilipinas sa kabila ng health crisis at mga kalamidad.
Sinagot naman ito ni Catriona na kahit umano wala siya sa Pilipinas ay patuloy pa rin niyang ginagawa ang kaniyang parte katuwang ang Red Cross na nangangasiwa sa pamimigay ng rellief goods sa mga biktima ng bagyo.