-- Advertisements --

Binasag na ni 2020 Miss Universe Andrea Meza ang katihimikan nito sa batikos na siya ay kasal na.

Mula kasi makuha ng Miss Mexico ang titulo ay maraming fans ang pumuna sa lumang social media post nito na nakasuot ng wedding gown at may kasama na lalaki na tila groom nito.

Miss Universe
Andrea Meza/ IG post

Sinabi nito na ang larawan ay kuha pa noong 2019 kung saan isa lamang ito ng photoshoot para ipromote ang Copper Canyon isang tourist attraction sa Chihuahua, Mexico.

Napili kasi si Meza bilang brand ambassador ng kanilang lugar kaya katungkulan din niya na magpromote ng turismo.

Ang lalaki aniya na nasa larawan ay batang kapatid ng isa sa kaniyang malapit na kaibigan.

Mahigpit kasing ipinagbabawal sa patakaran ng Miss Universe ang pagkakaroon ng asawa.