-- Advertisements --

Anomang oras mula ngayon, inaasahang darating na sa Pilipinas si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India.

Ito’y isang linggo bago ang coronation night ng Miss Universe Philippines (MUP) 2022 sa April 30 sa MOA Arena kung saan special guest ang Indian beauty queen.

Chavit with MU India 2

Mismong si Architect Richelle Singson-Michael, anak ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson, ang nag-anunsyo na pabalik na sila mula India matapos personal na sunduin ang Miss Universe 2021.

Kasama ng mag-amang Singson ang mga tauhan ng Miss Universe Organization lulan ng kanyang 12-seater private plane na Air Beauty One.

“Just few more hours ‘til our reigning Miss Universe graces our country with her presence. Join me everyone in giving her our most affectionate welcome and cheers. Can’t wait to show her our warmest smiles and hearts,” wika ni Architect Richelle tungkol sa pagdating ni Harnaaz sa Pilipinas ngayong Linggo, April 24.

Kamakailan lang nang nag-countdown si Sandhu sa pagdalaw niya sa ating bansa sa pamamagitan ng kanyang Instagram post na may caption na “Countdown begins, Philippines see you soon. Humanda ka Pilipinas.”

Una nang naiulat na makakasama ng 2015 Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach bilang host sa MUP 2022 coronation sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France at 2017 Miss Universe Demi-Leigh Tebow ng South Africa.

Kamakailan lang nang unang beses ipagtapat ni Harnaaz Sandhu na ang dahilan ng kanyang weight gain ay dahil sa tinatawag na Celiac disease, isang immune disorder na epekto ng mga pagkaing may mataas na gluten.

Kung maaalala, ka-batch ng Miss India sa 70th coronation ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados na nagtapos sa Final 5.