-- Advertisements --

Ibinahagi ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang pagbili niya ng mga tela sa Divisoria.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video habang bumibili ng mga tela sa isang tindahan sa Divisoria sa Maynila.

Sinabi niya na noong bata pa siya ay lagi itong namimili sa Divisoria.
Hindi rin nawala sa kaniyang ugali ang pagtawad sa mga presyo ng mga binibili niya.

Balik sa bansa ang Filipino-American beauty noong nakaraang mga linggo kung saan napili siyang maging host ng Miss Universe Philippines 2024 coronation night sa buwan ng Mayo.