Nagbigay ng tips si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel sa mga katangian na dapat taglayin ng susunod na Miss Universe Philippines 2023.
Ayon sa half-Filipina beauty queen, dapat mayroong natatanging katangian, confident sa kung sino siya at paano niya dadalhin ang kaniyang sarili sa entablado at mayroon dapat great communicator at hindi nahihiyang magpakatotoo.
Una ng dumating ang Miss Universe 2022 titleholder dito sa Pilipinas kahapon para sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023 sa araw ng Sabado sa MOA Arena sa lungsod ng Pasay.
Dumalo din ang half Pinay, half American beauty queen sa preliminary competition para sa Miss Universe Fashiom at Charity Gala ng MUP sa Okada Manila na ginanap kahapon kung saan nagbigay ito ng speech.
Hindi rin maitago ni Rbonney ang kaniyang excitement sa isang linggong pagbisita nito sa bansa makalipas ang limang taon mula ng huli siyang bumisita sa Pilipinas.
Ang Pilipinas din ang isa sa kaniyang paboritong lugar dahil sa pagiging hospitable, charming, welcoming at masayahin ng mga Pilipino at masasarap na pagkain at higit sa lahat may pinakamabuting puso.
Inamin din ng reigning Miss Universe na namangha ito sa fandom at spirit of pageantry sa Pilipinas.
Nagpaabot din ito ng pagbati para sa mga kandidata ng MUP 2023.