-- Advertisements --

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Miss Universe, ginawa sa Pilipinas ang bagong crown na ikokorona sa Miss Universe 2024 winner.

Ang bagong crown ay tinawag na “Lumière de l’Infini” (Light of Infinity) na nilikha ng Filipino craftsmen mula sa International luxury jewelry company na Jewelmer na nakabase dito sa Pilipinas. Napapalamutian ang korona ng rare golden south sea pearls mula pa sa karagatan ng Palawan. Nagkakahalaga ang korona ng nasa US$5 million.

Ito na ang ika-13 crown na gagamitin sa Miss Universe pageant.

Ngayong araw, Nobiyembre 14, oras sa Pilipinas, opisyal ng isinapubliko ang bagong Miss Universe crown sa isang event sa Mexico city, Mexico kung saan gaganapin ang 73rd Miss Universe pageant.

Paglalabanan ng mahigit 120 kandidata mula sa iba’t ibang bansa kabilang ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo ang naturang Filipino-made crown.

Samantala, dumating na rin sa Mexico ngayong araw si Miss Universe 2018 Catriona Gray na magsisilbing backstage host para sa inaabangang coronation night sa araw ng Linggo, Nobiyembre 17, oras sa Pilipinas.