-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang Miss Universe Canada (MUC) kina Filipino fashion designer Michael Cinco at Rian Fernandez.

Kasunod ito ng ginawang paglabas nila ng hinanakit laban sa MUC.

Sinisi kasi ng PR Company ng MUC na MGmode si Cinco kaya hindi nakapasok sa Top 21 si Nova Stevens ang pambato ng Canada sa Miss Universe 2020 pageant.

Hindi naman nagustuhan ni Fernandez ang ginawa ng PR Company kay Cinco kaya ikinuwento rin nito sa social media ang naging karanasan nito.

Sa Instagram post ng MUC kaya hindi nila binayaran ang mga designers ay dahil ang kapalit nito ay ang exposure sa kanilang mga desenyo habang suot ng kanilang pambato.

Desisyon rin daw ng kanilang kandidata kung anong desensiyo ang isusuot nito.