VIGAN CITY – Ipinaliwanag ng isa sa mga sponsors ng Miss Universe na last minute option lamang ng organisasyon ang nakatakdang pagsasagawa ng coronation night ng Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia sa December 9.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ng isa sa mga main sponsor ng Miss Universe beauty pageant na si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson na sa South Korea sana gaganapin ang nasabing coronation ngunit hindi pumayag ang grupo ng mga kababaihan sa nasabing bansa.
Hindi na ibinahagi ni Singson kung ano ang pangunahing rason ng hindi pagpayag ng grupo ng mga kababaihan sa South Korea na isagawa sa kanilang bansa ang coronation night ng pinaka-prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo ngunit tiniyak nito na hindi isyu sa pera o sponsorship ang rason.
Samantala, all-out support pa rin umano ang ibibigay ng politician-businessman sa nasabing aktibidad kahit na hindi ito personal na makakadalo dahil nataon ito sa town fiesta ng Narvacan, Ilocos Sur kung saan ito ang alkalde.