Nakamit ni Miss Universe Philippines Chelsea Manalo ang Best in National Costume sa katatapos lamang na Miss Universe 2024.
Si Manalo ang nakasungkit ng 1st place na sinundan naman ng kinatawan ng Chile na si Emilia Dides at Vietnam na si Nguyen Cao Ky Duyên
Ang national costume ni Manalo na tinawag na “Hiraya” na base sa kasaysayan at debosyon sa relihiyon ng bansang Pilipinas. Kaugnay pa nito, ang naturang costume rin ay sumisimbolo sa relasyon at kasaysayan sa pagitan ng Pilipinas at Mexico.
Si Manny Halasan ang nasa likod ng maganda at detalyadong national costume na inirampa ni Manalo sa Miss Universe stage.
Matatandaan na si Manalo ay nakamit rin ang Miss Universe Asia sa naturang patimpalak. Ang pagkapanalong ay “back-to-back” din para sa bansa dahil matatandaan na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang hinirang na Best in National Costume sa Miss Universe 2023.