-- Advertisements --
Nakabalik na sa bansa si Beatrice Luigi Gomez matapos ang pagsabak nito sa 70th Miss Universe pageant.
Bago mag-ala siyete nitong Miyerkules ng gabi ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang sinakyan nitong Turkish Airlines.
Hindi nagkaroon ng press conference dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ibinahaging larawan ng Miss Universe Philippines organizations na sinalubong siya ng kapwa niyang Philippine navy reservist.
Pinasalamatan ng Cebu beauty queen ang mga fans na sumuporta sa pagsabak nito sa nasabing pageant.
Mananatili ito ngayon sa isang hotel para sa kaniyang quarantine at sasailalim sa RT-PCR test sa pang-limang araw nito sa quarantine.