Nabigo ang kinatawan ng Pilipinas na si Celesti Cortesi na makapasok sa Top 16 ng 71st edition ng pageant na kasalukuyang ginaganap sa New Orleans, Louisiana sa United States.
Ang mga nananatili pa rin sa laban ay ang mga kandidata mula sa Puerto Rico, Haiti, Australia, Dominican Republic, Laos, South Africa, Portugal, Canada, Peru, Trinidad at Tobago, Curacao, India, Venezuela, Spain, USA at Colombia.
Sa katunayan, ito ang unang pagkakataon na hindi nakuha ng Pilipinas ang semi-final placement sa Miss Universe mula noong panahon ni Venus Raj noong taong 2010.
Target sana umano ni Cortesi ang ikalimang Miss Universe crown ng Pilipinas pagkatapos ni Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Una na rito, bago sumabak sa Miss Universe, kinatawan niya ang bansa sa naganap Miss Earth 2018, kung saan nalagay siya sa Top 8 ng nasabing pageant.