-- Advertisements --
Gazini bound to US
(featured photo from missuniverseph IG)

May napili ng bagong petsa ang Miss Universe Philippines (MUP) Organization para sa kanilang coronation night.

Sinabi ni MUP Creativ Director Jonas Gaffud, napagpasyahan nila na isagawa na lamang ito sa Oktubre 25, 2020.

Dagdag pa nito, sinusunod nila ang mga kautusan an itinatakda sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) gaya ng pagsuot ng face mask, social distancing at dissenfecting.

Tiniyak nito na kahit isang malaking hamon sa kanila ang dulot ng coronavirus pandemic ay siniguro nitong magiging matagumpay ang nasabing kauna-unahang Miss Universe Philippines coronation night.

Magugunitang unang itinakda sana ito sa Mayo 3 at iniurong noong Hunyo 14 subalit dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ay nagpasya ang mga ito na ilipat ang petsa.