Binuksan na ng Miss Universe Philippines organizations ang pagtanggap ng aplikante para sa kanilang 2023 pageant.
Sa anunsiyo ng organization sa kanilang social media ay maari nilang matanggap ang sinumang kuwalipikado kahit anong civil status nila.
Ilan sa mga qualification ay dapat ay may edad 18 hanggang 27 na Filipino citizen.
Bukas ang kanilang pagtanggap ng hanggang Enero 29, 2023.
Nauna ng sinabi ni Miss Universe organization president Paula Shugart noong Setyembre ng kumpirmahin nito na maari ng sumali ang mga may-asawa na at yung mga may anak na rin.
Magugunitang kinoronahan si Filipino-Italian model Celeste Cortesi bilang Miss Universe Philippines na ginanap noong Abril at siya ay sasabak sa 71st Miss Universe pageant na gaganapin sa Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.