-- Advertisements --

Tiniyak ng organizers ng Miss Universe Philipines na nasusunod ang lahat ng mga health protocols na ipinapatupad sa mga kandidata at mga production staff.

Sa inilabas na kalatas ng organizers, na kanilang mahigpit na sinusunod ang mga bilin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Bago kasi ang mga ilang aktibidad ay sumailalim ang mga kandidata sa swab testing sa St. Luke’s Medical Center.

Magugunitang dalawang kandidata ang umatras sa pageant na pinangunahan ng pambato ng Sorsogon na si Maria Isabela Galeria at Vincy Vacalares ng Cagayan de Oro.

Gaganapin ang pageant sa Oktubre 25 sa Lungsod ng Baguio.