-- Advertisements --

Naniniwala ang organizer ng Miss Universe Philippines na matutuloy na ngayong taon ang kauna-unahang pageant nila.

Ito ay matapos na dalawang beses ng naantala dahil a coronavirus pandemic.

Sinabi ni Jonas Gaffud, ang Creative and Events Director ng Miss Universe Philippines, na kapag wala ng magiging problema pa ay kanilang itutuloy na ang pageant sa darating na Oktubre 25, 2020.

Nauna ng inilipat sa 2021 ang Miss Universe pageant dahil sa coronavirus pandemic.