-- Advertisements --

Bibisita sa Pilipinas si Miss Universe Sheynnis Palacios.

Ayon kay Miss Universe owner Anne Jakrajutatip na bahagi ng Asian Tour ng kasalukuyang Miss Universe ang pagbisita nito sa Pilipinas.

Una ng nagtungo ito sa Thailand, Laos, Camobodia at China.

Hindi naman binanggit kung kailan ang petsa ng pagdalaw nito sa bansa.

Marami ang nagsabing na baka dadalo ito sa coronation night ng 2024 Miss Universe Philippines sa susunod na buwan.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na bumisita sa bansa ang Miss Universe title holder na una ay noong 2021 na si Harnaaz Sandhu at noong 2022 at si Zozibini Tunzi na nagwagi noong 2019.