-- Advertisements --

Isang malaking achievement para kay Miss Uniworld 2023 Karla Majam ang maiuwi ang korona mula sa international pageant na naganap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Karla nga ang kauna-unahang Pilipina na clinically-diagnosed ng autism na nakapag-uwi ng isang international crown.

Bukod sa korona ay nakuha rin nito ang Best in Catwalk Award.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 17-year-old beauty queen na si Karla, ibinahagi nito ang kanyang naging inspiring journey sa pageant, at may kwento rin ito tungkol sa kaniyang kapansanan na hindi naging hadlang sa kaniyang tagumpay.

“I got an honor to represent the Philippines and bring home the crown. It was such a great experience. I was diagnosed with mild autism when I was young, and because of that, I haven’t really let that stop me from pursuing my dreams. I believe that despite what mental illness or physical illness you have, you can achieve your dreams, push it, cause you deserve it.”

May mensahe rin ito sa mga taong sumuporta sa kanya.

“I would like to thank my [fellow Filipinos] for supporting me and having faith in me, also [to my family]. I really appreciate it.”

Samantala, inamin ni Karla na balak rin nitong sumali sa Miss Universe at Binibining Pilipinas sa mga susunod na taon.