Napagdesisyunan na ng Miss World Organization na ituloy ang coronation sa March 16, 2022.
Ito’y matapos makansela ang coronation na dapat sana ay nitong December 16 sa Puerto Rico.
Sa anunsyon ng pamunuan ng Miss World, sa parehong bansa pa rin isasagawa ang coronation upang maipakita pagiging “premier tourism destination” nito sa buong mundo.
“We are so excited that we are staying in Puerto Rico to crown the new Miss World!” saad ni Julia Morley na siyang pinuno ng Miss World.
Makakaasa aniya na ipapalabas pa rin ang pre-recorded content ng mga kandidata sa Puerto Rico at tatanggapin pa rin ang mga ticket na may petsang December 16
Kung maaalala, ipinagpaliban ang 70th Miss World matapos makapagtala ng ilang kaso ng Coronavirus Disease 2019
Hindi naman tinukoy ng Miss World kung ilan sa Miss World candidates at staff ang tinamaan ng COVID-19 pero may mga nakaraang report na isa rito si Carla Yules ng Indonesia.
Una nang naiulat na nagatibo sa COVID-19 ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez na tatangkaing masungkit ang pangalawang Miss World crown para sa bansa.
Isa si Maureen sa “frontrunner” o napipisil manalo ng global pageant observers. Katunayan ay pasok na siya sa Top 30 ng Miss World at Top 5 ng Beauty with a Purpose challenge.
Unang nagkaroon ng Miss World crown ang Pilipinas noong 2013 sa pamamagitan ni Megan Young.