-- Advertisements --
image 281

Pinarangalan ng longest running beauty pageant na Miss World Organization si Miss Malaysia 1983 na si Michelle Yeo, kasunod ng pagkapanalo nito ng best actress sa 2023 Oscar awards na ginanap sa Los Angeles.

Si Michelle Yeoh na nanalo ng Best actress sa Oscar na gumawa rin ng kasaysayan bilang unang babaeng may lahing asyano at unang malaysian performer na pinuri dahil sa mahusay na pag ganap sa sci-fi comedy film na Everything Everywhere All at once na humakot rin maraming awards.

Samantala sa buong kasaysayan ng Miss World, si Michelle ang pangalawang beauty queen na nanalong best actress sa Oscars.

Matatandaan na ang una ay si Halle Berry, na Miss World USA noong 1986 na nanalo ng Oscar na best aktres sa pagganap sa “Monster’s Ball” noong 2001.