-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Miss World pageant ng petsa ng kanilang coronation night.

Ayon sa organizer na magsisimula ang mga aktibidad sa Mayo 7.

Habang ang coronation night ay gaganapin sa Mayo 31 sa Telangana, India.

Noong nakaraang taon ay nagwagi ang pambato ng host country na Czech Republic na si Krystyna Pyszková .

Napili naman si Krishnah Gravidez na magrerepresenta ng bansa sa nasabing pageant.

Susubukan nito na makuha ng Pilipinas ang ikalawang titulo na ang una ay nakuha ni Megan Young noong 2013.