-- Advertisements --

Itinakda ng Miss World Philippines ang coronation night sa July 19.

Ayon sa organizers gaganapin ito sa Mall of Asia Arena.

Huling ginanap ang pageant noong 2022 kung saan kanilang ipinagpaliban ang 71st edition noong nakaraang taon kung saan hawak pa rin ni Gwendolyne Fourniol ang titulo.

Nagsagawa ang Miss World Philippines Organization (MWPH) ng final screening noong Mayo 27 kung saan ilan sa mga kandidata na nagbabalik ay si First Princess noong 2021 na si Rhiana Agatha Pangindian.