-- Advertisements --
Nagpasya ang organizers ng Miss World Philippines na ipagpaliban at gawin na lamang ito sa Agosto 8 ang kanilang coronation night dahil sa ipinapatupad na mas mahigpit na quarantine restrictions ng gobyerno.
Inihanda na ng organizers ang lahat sa para sa coronation night sa darating Hulyo 25 bago mag-anunsiyo ang Malacañang nitong Hulyo 23 ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) “heightened restrictions”.
Ito na ang pangalawang beses na ipinagpaliban ang coronation night na ang una ay noong nakaraang taon sa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19.
Gaganapin sana ang Okada Manila ang 2021 Miss World Philippines ng ianunsiyo ng gobyerno ng pagpapatupad ng GCQ ng hanggang Hulyo 31.