-- Advertisements --

Bigong masungkit ng pambato ng Pilipinas sa 70th Miss World na si Tracy Maureen Perez ang pangalawang korona para sa bansa.

Ito’y matapos hindi na nakapasok pa sa Top 6 na silang sasalang sa question and answer portion sa nagpapatuloy na coronation sa Puerto Rico.

Una rito mula sa Top 40, napabilang sa Top 12 ang 28-year-old Cebuana model/industrial engineer kasama ang mga kandidata ng Vietnam, Mexico, Northern Ireland, Poland, Somalia, US, Colombia, Czech Republic, France, India, Indonesia at Cote D Voire.

Sa ngayon, showdown para sa Miss World 2021 title ang Top 6 na pambato ng US, Poland, Mexico, Northern Ireland, Indonesia at ang nakatabla nito sa Top 12 na Côte D’Ivoire.

Si Toni-Ann Singh ng Jamaica ang tinaguriang “longest-reigning Miss World” sa kasaysayan dahil mula 2019, ngayon pa lamang nito ipapasa ang korona.