-- Advertisements --
Hindi ikinatuwa ng US Defense Department ang balitang nagsagawa ang Beijing ng ultiple anti-ship ballistic missile test sa South China Sea.
Nakababahala umano ang ginawang aksyon na ito ng naturang bansa at taliwas daw ito sa ipinangako nila na pananatilihin ang kapayapaan sa rehiyon at kahit kailan ay hindi nito aatakihin ang nasabing disputed waterway.
Kinumpirma naman ni Pentagon spokesman Lieutenant Colonel Dave Eastburn na batid ng kanilang ahensya ang ginawang ito ng China.
Naniniwala rin daw ang kanilang ahensya na nais lamang takutin ng China ang ilang bansa tulad ng Brunei, Malaysia, at Philippines na umaangkin sa South China Sea.