-- Advertisements --

Pumalpak ang ginawang missile test ng North Korea.

Ayon sa South Korean military na pinalipad ang nasabing hindi pa malamang projectile sa airfield sa labas ng Pyongyang.

Dagdag pa ng Joint Chief of Staff ng Seoul na mabilis na bumagsak ang nasabing missile ilang minuto mula ng ito ay ilunsad.

Ngayon taon lamang ay aabot na sa siyam na beses na nagsagawa ang North Korea ng missile test.

Ito ay kahit na nagbabala ang United Nations na mahaharap sa sanctions ang North Korea dahil sa patuloy nitong pagpapalipad ng mga ballistics at nuclear weapons.