-- Advertisements --

gulf2

Kaagad ding narekober ng mga tauhan ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) ang nawawalang manlalangoy sa Albay Gulf kahapon.

Kinilala itong si Francis Balacano, 16-anyos na residente ng Oro Site, Legazpi City, Albay.

Iniulat itong nawawala bandang alas-2:00 ng hapon kahapon matapos mag-swimming kasama ang kanyang mga kaibigan sa Albay Gulf, sa Barangay San Roque, Legazpi City.

Sa pamamagitan ng mga idineploy na navy divers, drone, medical team, at ambulansya ng NAVFORSOL, natagpuan ng search and rescue teams ang binatilyo sa karagatan bandang alas-3:00 ng hapon.

Isinugod oa sa ospital ang nasabing swimmer pero idineklara nang dead on arrival.