Umaabot na sa walo ang missing habang maraming residente ang nagsilikas matapos tumindi pa ang naranasang wildfire sa Northern California.
Ang napakalaking Dixie Fire ang siyang pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng estado.
Nasa 187,562 hectares na ang nilamon ng apoy kung saan nagmula ang pinakamalaking damages ay sa Los Angeles, California.
Ang Dixie blaze ay ang pinakamalaking aktibong wildfire sa Estados Unidos, ngunit ang isa sa 11 pangunahing mga wildfire lamang sa California.
Sa katapusan ng linggo, nalampasan nito ang 2018 Mendocino Complex Fire kung kaya ay idineklara itong pangalawang pinakamatinding sunog sa kasaysayan ng estado.
Sa nangyaring wildfire, tatlong bombero na ang sugatan at nasa 21 percent pa lang ng apoy ang kanilang napigilan.