-- Advertisements --
John Brian Mananghaya Aguila cALIFORNIA
John Brian Mananghaya Aguila (photo from West Covina Police)

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa West Covina Police Department sa California ang pagkawala ng isang Pinoy firefighter.

Una rito huling nakita ng kanyang pamilya si John Brian Mananghaya Aguila, 28, noong August 2.

Naiulat na rin ng CBS Los Angeles na ang biktima ay isang part-time firefighter sa Bureau of Land Management.

Narekober na rin ng mga imbestigador ang puting 2017 Honda Civic ni Aguila sa San Dimas City.

Nakuha rin sa loob ng trunk ng kotse ang gloves at damit na duguan.

Nakita naman sa CCTV footage ang isang lalaki na umalis mula sa kotse.

Dahil sa video tinunton ng West Covina police ang isang bahay na nasa 1400 block sa Third Street, La Verne, na sinilbihan ng search warrant ng Swat team.

May hinala naman si West Covina Police Department spokesperson Rudy Lopez na ang narekober na mga ebidensiya ay posibleng konektado rin sa isang sunog na katawan na nakita sa Upland City, San Bernardino County.

Sa ngayon ay hindi na makilala ng mga otoridad ang naturang bangkay.

Bago ito nitong nakalipas na araw dalawang lalaki ang dinampot ng mga pulis.

Kinilala ang mga ito na sina Elijah Thomas Rouse, 18, at Shaun Cardarelli, 37.

Kasalukuyang pinipigil ang mga ito at may piyansang $1 million.

Naglabas na rin ng advisory ang police department sa missing Pinoy:

“The West Covina Police Department is releasing the video showing the missing person’s vehicle when it was left in a residential neighborhood in San Dimas. The male seen walking from the vehicle is the subject connected to the search warrant served this morning in the 1400 block of 3rd Avenue, La Verne.

The WCPD is still seeking anyone who may have information about our missing person, 28 year old John Brian Mananghaya Aguila. Call 626 939-8557.” LINK TO YOUTUBE VIDEO: WATCH HERE