Matagumpay ng inilunsad ng NASA ang kanilang misyon sa planetang Mars.
Lulan ng United Launch Alliance Atlas V 541 rocket ang Perseverance rover at ang Ingenuity helicopter mula sa Cape Canaveral, Florida.
Matapos ang dalawang oras ay kinumpirma ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA ang pagkuha nila ng signal mula sa nasabing spacecraft.
Ayon kay Omar Baez, launch manager at NASA’s Launch Services Program, matapos na makuha nila ang signal ay nailock na nila ito.
Nandoon din sa launch sites ang dalawang estudyanteng sina Alex Mather at Vaneeza Rupani na siyang nagpangalan sa rover at kasama nitong helicopter matapos magwagi sa dalawang national contest ngayong taon.
Bagamat nakaramdam ng paglindol sa JPL control center sa Pasadena, California ay hindi naapektuhan ang kanilang paglunsad.
Sinabi ni NASA Administrator Jim Bridenstine, na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na magtutungo sila sa Mars para sa explicit mission para maghanap ng buhay sa ibang mundo.
Aabot sa pitong buwan ang pagbiyahe ng Perseveranc na ito ay inaasahang lalapag sa Jezero Crater ng Mars sa Pebrero 18, 2021.
Mahigit isang dekadang pagpaplano ang ginugo ng mga engineers, scientists at specialist sa NASA centers sa buong bansa at commercial partners.
Naging malaking hamon para sa grupo ang coronavirus pandemic na siyang nagpaantala bahagya ng kanilang trabaho.
Isa lamang ito sa tatlong mission sa Mars na ang una ay ang Tianwen-1 ng China na may dalang rover at ang Hope Probe ng United Arab Emirtes na inilunsad ngayong buwan.
Sinamantala ang oportunidad kada 26 buwan tuwing ang mundo at Mars ay naka-align katapat ng araw.
Hahanapin ng Perseverance kung may bakas ba ng ancient microbial life na nangyari sa Mars kung saan mangungulekta ito ng mga rock samples at lupa.
Ang mga samples ay inaasahang babalik sa mundo sa Enero 2023.