-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kulong ang mister at ang kalaguyo nito matapos nahuli ng misis sa loob ng isang lodging house sa La Paz, Iloilo City.

Ang mister ay kinilalang si Honorio, 56, habang ang kalaguyo nito at kinilalang si alyas She-She, 43, kasado.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Honorio, sinabi nito na nakahanda siya sa anumang kaso na isasampa ng kanyang misis na si Rena, 55.

Tikom naman ang bibig ni Honorio ng tanungin hinggil sa magiging epekto ng kanyang ginawa sa kanyang mga anak na pawang proffesionals na.

Napag-alaman na matagal na umanong nagdududa ang misis na si Rena na may ibang karelasyon si Honorio at nakumpirma lamang ito ng kanyang mabasa ang mga mensahe sa cellphone ng mister.

Lingid sa kaalaman ni Honorio, sinundan siya ng misis patungo sa isang lodging house.

Kaagad na nagpasaklolo sa pulis si Rena upang mahuli ang mister at ang kalaguyo nito.