ILOILO CITY – Huli sa akto ng mister ang kanyang misis na nakikipagtalik sa kanyang pinsan sa Tanza Baybay Iloilo City Proper.
Ang mister ay kinilalang si Jonald, ang misis naman nito ay si Kiri habang ang pinsan naman ng mister ay kinilalang si Rolen.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas Perla, sinabi nito na nakipag-inuman ang kanyang kapatid na si Jonald kasama ang kanyang mga kaibigan sa Jaro, Iloilo City.
Dito at nagpaalam si Jonald sa kanyang misis na mauunang matutulog.
Ngunit di kalaunan, naramdaman ng mister na may umaalog sa kanilang kama.
Nang binuksan ni Jonald ang ilaw, dito at tumambad ang hubo’t-hubad na katawan ng kanyang pinsan at misis nito na nasa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik.
Ginulpi ng mister ang kanyang pinsan at naiwan pa ang kanyang mga salawal.
Napag-alaman na si Jonald at Kiri ay may isang anak.