LA UNION – Posibleng frustrated homicide ang isasampang kaso laban sa isang mister na nanuntok at tinaga pa sa ulo ang biktima nito.
Ang biktima ay kinilala sa pangalang Jemuel Palagibon, 34, habang ang suspek ay kinilala namang si Rogelio Alcantara, 45, kapwa residente ng Barangay Cabaroan, Bacnotan, La Union.
Ayon sa report na nakalap ng Bombo Radyo La Union, nag-inuman ang dalawa sa bahay ng biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang argumento at nasuntok ng suspek ang biktima.
Dahil dito, dinala ang dalawa sa barangay kapitan ngunit muling nagtalo ang mga ito hanggang sa nakakita ng pagkakataon ang suspek at tinaga sa ulo ng biktima, gamit ang isang bolo.
Inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek habang ang biktima ay nasa ligtas nang kalagayan.
Desidido umano ang biktima na sampahan ng reklamo ang naka-inumang suspek.