-- Advertisements --
Bohol 2nd District Board Member Rey Niño Boniel

CEBU CITY – Negative ang resulta sa paraffin test ni Bohol Board Member Niño Rey Boniel.

Ito ay matapos isinailim sa parrafin test noong ika-walo ng Hunyo makaraang inakusahang binaril-patay ang asawang si Bien Unido Bohol Mayor Gisela Boniel.

Ayon kay C/Supt. Noli Taliño, director ng Police Regional Office (PRO-7), nagbakasali lang sila na magpositibo ang board member.

Ngunit inamin ng director na inaasahan na nila ito na magne-negative dahil ilang oras na rin ang nakalipas pagkatapos ng krimen at marami umano ang pwedeng mangyari.

Ayon pa kay Taliño, marami ring dahilan kung bakit nag-negative sa paraffin test si Board Member Boniel.

Posible umano na nakapaghugas ng kamay pagkatapos ng pagbaril nito sa kanyang asawa.

Aniya, nakakaapekto rin umano ang direksiyon ng hangin sa oras ng pagbaril kung saan posibleng nadala sa direction ng hangin ang gun powder.

Gayunpaman, iginiit ni Taliño na kahit pa man nag-negative sa paraffin test ang mister marami pa rin umano silang ibang ebidensiya na titingnan na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.