-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagpatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa umano’y pagpapakamatay ng mister ng isang pulis sa Lungsod ng Heneral Santos.

Kinilala ang biktima na si Sernie Castillon Selda, 36-anyos na nakatira sa Purok 24, Barangay Fatima nitong lungsod.

Nagkaalitan umano ang mag-asawa dahil lasing na dumating ang mister kahapon ng madaling araw.

Pinagtalunan din daw ng dalawa ang nasirang motor subalit hanggang sa bigla umanong inagaw ng mister ang glock 17 ng misis.

Sinasabing agad pinaputok kaya tinamaan sa kanyang kanang tenga ang lalaki na tumagos sa ulo nito.

Sa record ng Fatima Police Station, nagtangka na rin pa lang mag-suicide noon ang biktima kung iiwanan ng kanyang asawa.

sa pangyayari.