KORONADAL CITY – Dumulog sa Bombo Radyo Koronadal ang mister ng isang overseas Filipino workers (OFW) na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia upang matulungang mailigtas ang kaniyang minamaltratong asawa roon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wilfredo Sialsa Jr., residente ng Isulan, Sultan Kudarat, inihayag nitong madalas umanong sinasaktan ang kaniyang asawang si Wennijon Ampuyas ng kaniyang amo.
Maliban dito, kinumpiska rin ang kaniyang anim na buwang halaga na sweldo, pasaporte at mga mahahalagang dokumento.
Ibinahagi rin nito na sa kanilang huling pag-uusap ay sumisigaw ang kaniyang asawa at humihingi ito ng tulong.
Sa ngayon labis ang kaniyang pag-aalala at nais niyang mapauwi ang kaniyang kabiyak.
Nabatid na nagsimulang magtrabaho si Wennijon sa naturang bansa noong Setyembre 17 nang nakaraang taon.