-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nagpapatuloy ang imbestigayon ng Koronadal PNP kaugnay sa panibagong insidente ng pagpapatiwakal sa isang pampublikong paaralan.

Kinilala ang naturang biktima na si Rodolfo Gamboa, nasa legal na edad at isang guwardiya ng DPWH.

Ayon kay Koronadal Central Elementary School-2 (KCES) assistant principal Merlito Paciente sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, kinukumbinsi nila ang biktima na bumaba sa puno ng narra at nang nagkaroon ito ng tsansa ay bigla siyang tumalon kung saan nakabigti ang lubid sa kaniyang leeg.

Dagdag ni Paciente, ito ang ikalawang pagtatangka ni Gamboa kung saan una niyang ginawa ang pagbigti sa gym ngunit hindi ito naisakatuparan dahil masyado umano itong mababa.

Depresyon aniya ang tinitingnang anggulo ng kapulisan hinggil sa nangyari.

Nabatid na bumili umano ito ng bala ng baril noong araw ng Biyernes ngunit nakumbinsing huwag ituloy ang balak na magpakamatay matapos itong kinausap ng kaniyang anak.

Labis naman ang hinagpis na nararamdaman ng pamilya ng biktima dahil sa pangyayari.

Ito ang unang kaso ng suicide incident na naitala sa naturang paaralan.