-- Advertisements --
ILOILO CITY- Labis ang paghihinagpis ng mister sa pagpapatiwakal ng kanyang misis na Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan ipinakita pa ito sa pamamagitan ng Facebook live.
Ang biktima ay si alyas Julie, domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia at residente ng Constancia, San Lorenzo, Guimaras.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas Noknok, mister ng biktima, sinabi nito na marami ang sumisisi sa kanya sa pagkamatay ng kanyang misis na umano’y nagselos dahil pambababae nito.
Depensa ni Noknok, walang katotohanan na may iba siyang babae.
Sa katunayan anya, nagvideocall pa sila ng kanyang misis kasama ang kanilang dalawang anak bago ito nagpatiwakal.