CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukoy ng pulisya na maaring personal na galit ang motibo kung bakit tinambangan ang mag-live in partner habang sakay ng kanilang pribadong sasakyan mula trabaho at pauwi na sana Purok 3-A,Barangay Poblacion,Valencia City,Bukidnon.
Ito ay matapos malapitan na pinagbabaril ng hindi kilalang armadong kalalakihan ang mga biktima na sina Pepe Paring,41 anyos at live-in partner na si Marlyn Yaba 39 na kapwa mill monitor incharge sa Bukidnon Sugar Milling Corporation na nakabase sa bayan ng Quezon sa nasabing probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Bukidnon Provincial Police Office spokesperson Maj Jiselle Longgakit na ilang metro na lang ang distansiya ng mga biktima sa kanilang uuwian na bahay nang biglang sumugod ang mga suspek at agad pinaulanan sila ng mga bala.
Sinabi ni Longgakit na dead on arrival na si Paring nang maipasok sa pribadong ospital dahil sa fatal wounds na tinamo mula sa hindi pa tukoy na uri ng mga baril na ginamit ng mga suspek.
Bagamat nasa ligtas naman na kalagayan si Yaba dahil hindi malubha ang kanyang tinamo na mga tama at nagpapagaling pa sa pinagdalhan na pagamutan.
Nilaliman pa ng mga imbestigador ang pagsisiyasat kung bakit ganoon na lamang ang sinapit ng mga biktima lalo pa’t ‘good standing’ naman umano ang mga ito lugar at maging sa kompanya na pinagta-trabahuan nila sa lugar.