-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang mister matapos makuryente habang nag-aayos ng bubong sa simbahan sa Sitio Luyo, Barangay Culasi, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Cleofe Cervantes, 56 anyos, residente rin ng naturang lugar.

Ayon sa misis ng biktima, kinukumpuni ng kaniyang mister ang bubong ng simbahan gamit ang isang martilyo.

Aniya sinigawan niya pa ang mister na mag-ingat dahil mayroong live-wire malapit sa kinukumpuni nito.

Ngunit nasaksihan mismo ng misis ang aksidenteng pagkakahawak ng kaniyang mister sa live-wire kung kaya’t ito ay nakuryente.

Mabilis namang nakapagresponde sa lugar ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection – Roxas City Fire Station matapos matanggap sila ng impormasyon patungkol sa insidente.

Sinubukan pa ng mga nagresponde na kasapi ng BFP na ma-revive ang biktima ngunit hindi na ito naisalba pa.