-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isa ang nasawi at isa ang nasugatan sa pamamaril sa syudad ng Cotabato.

Nakilala ang napatay na si Alimudin Haron alyas kuday, 26 anyos, residente ng Barangay Pagatin Datu Salibo Maguindanao at sugatan ang asawa nito na si Sara Mae, 25 years old.

Nahuli naman ang isa sa dalawang suspek na si Kairudin Guimba Puti.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Rommel Javier na habang kumakain ang mga biktima sa bahay ng kanilang kaibigan sa Rosales Extension Barangay Rosary Heights 6 sa lungsod ay bigla itong pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang 9mm pistol at kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Agad dinala ang mag-asawa sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit dineklara ng mga doktor na dead on arrival si Alimudin Haron.

Nasa maselang kondisyon si Sara Mae na buntis na may tamas a dibdib at kamay.

Sa follow operation ng Cotabato City PNP,isa sa mga salarin ang nahuli.