-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpakamatay ang mister matapos binaril ang kanyang sariling asawa sa Paclibar St., Barangay Cuartero, Jaro, Iloilo City.

Ang mister ay kinilalang si Romeo Paclibar, 66, former chief mate sa barko.

Ang kanyang misis naman ay si Sara Paclibar, 62, at isang negosyante.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Eda Mae Paclibar, manugang ng mag-asawa na nakasaksi sa insidente, sinabi nito na naghahanda ang kanyang byenan na babae upang magluto nang sinigawan ito ng kanyang byenan na lalaki.

Hinawakan ng mister ang kamay ng kanyang misis at sinaktan.

Kumuha ito ng baril at nagpaputok.

Pinigilan pa ito ng kanilang anak ngunit natama-an ang kanyang misis sa paa.

Pagkalipas ng ilang minuto, binaril din nito ang kanyang sarili.

Patal naman na sugat sa ulo ang natamo ng mister.

Ayon sa manugang, separado na ang kanyang mga byenan ilang taon na ang nakalipas.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo, may isinangla na lupain ang misis na siyang palaging pinagtatalunan ng mag-asawa.