-- Advertisements --
LAOAG CITY – Natakot ang ilang residente sa Brgy. Ezperanza, Vintar, Ilocos Norte dahil pabalik-balik na eroplanong kulay itim sa himpapawid sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jayson Baay residente sa nasabing barangay, 12 beses na pabalik-balik ang eroplano mula sa kanluran at silangang direksiyon.
Aniya, tinutumbok ng eroplano ang magkabilang bundok sa isang barangay sa Vintar at bayan ng Pasuquin.
Nag-umpisa ang pabalik-balik na aktibidad ng eroplano na tila may hinahanap kaninang umaga na dahilan ng pagkatakot ng mga residente.
Pagkatapos nito ay biglang nagbago ang direksiyon at nagtungo sa timog.
Hindi naman malaman ni Baay kung ang proyekto ng mga Chinese sa dalawang bayan ang pakay ng itim na eroplano.