-- Advertisements --

Nakataas sa general alert ngayon ang gobyerno ng Congo dahil sa pagkalat ng misteryosong flu-like diseas matapos ang pagkasawi ng ilang katao.

Ayon sa Health ministry ng Congo, na aabot na sa 71 katao ang kumpirmadong nasawi.

Kinabibilangan ito ng 27 katao ang nasawi sa pagamutan habang mayroong 44 naman ang nasawi sa kanilang bahay sa Kwango province.

Sa nasabing nasawi sa pagamutan ay 10 sa kanila ay dahil sa kawalan ng dugo habang 17 ang nagkaroon ng respiratory problems.

Karamihan sa mga biktima ay nakaranas ng mga sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng ulo, matinding ubo at anemia.

Kumuha na ang mga epidemiological experts ng mga samples at kanilang iniimbestigahan na ang nasabing sakit.

Magugunitang noong mga nakaraang buwan ay idineklara ang mpox epidemic sa Congo kung saan mayroong 47,000 kaso ang naitala, mayroon mahigit 1,000 katao ang nasawi mula sa nasabing sakit.