-- Advertisements --

Nag-utos ng imbestigasyon si U.S Attorney General William Barr sa Justice Department offices sa posibleng nagaganap na diskriminasyon sa LGBTIQ employees.

Ito ay matapos magreklamo ng isang internal gay affinity group dahilumano sa mababang pagtingin umano sa kanila.

Hindi umano matahimik ang kalooban ni Barr nang makarating sa kanya ang reklamo ng nasabing grupo kung kaya’t inutusan nito ang Federal Bureau of Investigation (FBI) at Bureau of Prisons (BOP) na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa alegasyong diskriminasyon.

Naglabas din ito ng Equal Employment Opportunity (EEO) na nagdedeklarang walang kahit anong departamento ng kahit sinong empleyado o aplikante ang didiskriminahin base sa lahi, etniko, relihyon, edad, kapansanan o sexual orientation.

“Issuing the statement is not only required by law … it is the right thing to do,” ani Barr.

Nang dahil sa ginawang ito ni Barr ay hindi naiwasang maikumpara ito sa pinalitan nitong si Jeff Sessions, na wala umanong nagawa upang ipaglaban ang karapatan ng LGBTIQ community.

Tulad na lamang daw nong 2018 kung saan nagpadala noon si Session ng isang memo sa federal prosecutors na nagdedeklarang hindi nagawang protektahan ang mga empleyado mula sa gender identity discrimination sa ilalim ng Title VII of the 1964 Civil Rights Act.