Hiniling ni Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari sa Sandiganbayan na isauli sa kanya ang inilagak nitong P920,000 travel bond at pansamantalang ipagpaliban ang petsa ng mga pagdinig nito hinggil sa kinakaharap na kasong malversation noong ito’y governor pa lamang ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa tatlong-pahinang manifestation cum omnibus motion, sinabi ng counsel ni Misuari na si Arthur Lim na umalis ito sa bansa upang magtungo sa Saudi Arabia noong Mayo 28, at bumalik nitong Hunyo 15 na pasok sa aprubadong time frame ng korte.
“That he has no plan of going abroad in the foreseeable future and would now like to withdraw his travel bond,†saad ni Lim.
Ayon pa sa kampo ni Misuari na nagpakita raw ito sa korte, bitbit ang mga kopya ng kanyang pasaporte na nagpapakita ng stamped dates ng pag-alis at pagbalik nito sa bansa, sa clerk of court ng Third Division ng anti-graft court.
Dagdag nito, ipinakakansela rin nito sa Sandiganbayan ang naka-schedule na marking of evidence mula Hulyo 2 hanggang 4 at ang pre-trial sa Hulyo 5 upang magkaroon daw ito ng sapat na oras na hanapin at tipunin ang mga kaukulang dokumento.
“That as regards the scheduled marking of exhibits and pre-trial, he would like to postpone the same for the last time as he needs further time to locate, collate and compile relevant documentary exhibits, this could be better appreciated if we consider that the alleged offenses happened in 2001 yet the criminal complaint was filed against him only in 2017 – an unjust delay in any language,†ani Lim.
Nahaharap sa dalawang bilang ng graft at dalawang bilang ng malversation dahil sa maanomalyang pagbili ng mga educational materials na nagkakahalagang P77-milyon noong 2001.