NEW DELHI – Bigo ang Space Research Organization (ISRO) ng India na mabuo ang misyon na makapaglapag ng spacecraft sa hindi pa na-explore ng buwan, partikular na ang katimugang bahagi nito.
Ayon sa ISRO, naging maayos ang paghahanda, hanggang sa paglipad ng Chandrayaan-2, ngunit ilang sehundo bago ito makalapag ay nawalan na sila ng contact.
Nanghihinayang ang mga eksperto dahil mahigit dalawang kilometro na lang sana ay nasa lapag na ito.
Nabatid na noon pang Agosto nakapasok sa orbit ng buwan ang Chandrayaan-2.
Tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye si ISRO chairman Kailasavadivoo Sivan kaugnay ng naturang failed mission.
Nanood din ng live footage si Prime Minister Modi, at sinabi niyang malayo na rin ang narating ng nasabing misyon at umaasa siyang magagamit sa mga darating na pag-aaral ang mga nakalap na larawan at iba pang data.
Bago ito, noong 2008 ay nagsagawa na rin ang India ng malalimang research sa lunar surface, kasama ang paghahanap ng tubig, sa pamamagitan ng makabagong mga radar.