Binitbit ni Donovan Mitchell ang Utah Jazz sa panibagong panalo laban sa Indiana Pacers, 103-95.
Nagpakita ng all around game si Mitchell gamit ang halos triple-double performance gamit ang 27 points, 11 assists at nine rebounds.
Hindi inalintana ng Jazz ang hindi paglalaro ng kanilang star point gurad na si Mike Conley upang iposte ang ika-19 na panalo at limang talo pa lamang, bilang best record pa rin sa NBA.
Malaking tulong din ang ginawa ni dating Pacer Bojan Bogdanovic na nagtapos ng sa 18 points, ang Fil Am na si Jordan Clarkson ay nagdagdag ng 17 mula sa bench at si Rudy Gobert ay may 16 points at 16 rebounds.
Sa panig ng Pacers na lumasap ng limang talo na mula sa huling anim na laro, nanguna si Domantas Sabonis na may 20 points at si Malcolm Brogdon ay nagpakita naman ng 15 points at seven assists.
Ang sunod na laro ng Jazz ay host sila Boston sa Miyerkules.
Habang ang Pacers at dadayo naman sa Brooklyn sa Huwebes.